DOF
Inaasahang papalo sa Php501.4 billion ang kabuuang makokolektang dibidendo ng Marcos Jr. Administration mula sa mga government-owned or -controlled corporations (GOCCs) pagsapit ng katapusan ng 2026.
Tinatayang 31.15% itong mas mataas kumpara sa Php382.3 billion na nakolekta ng nakaraang administrasyon.
Ayon sa Department of Finance (DOF), kabilang sa makukulektang dibidendo ang mga aktuwal at inaasahang remittance para sa 2026.
Katumbas ito ng taunang average na koleksyon na PhP125.358 billion.
Para sa 2026, umabot sa PhP147.15 billion ang kabuuang dibidendo mula sa 50 GOCCs, kung saan Php140 billion na ang aktuwal na nakolekta hanggang July 8, 2026.
Kung matatandaan, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagdiriwang ng GOCCs Day sa Malacañang. Taunang pagtitipon ito na nagbibigay-pugay sa mahalagang kontribusyon ng mga GOCC sa pamamagitan ng kanilang dividend remittances at suporta sa national growth. | ulat ni Racquel Bayan