Kinumpirma ni Labor Secretary Francis Tolentino na sa July 25, 2026, ay epektibo na ang Wage Order no. 27, na nagtatakda ng ₱60 pesos na dagdag sa minimum wage sa National Capital Region (NCR).
Sa ambush interview kay Secretary Tolentino, July 9, nang lumabas sa pahayagan partikular sa diyaryo ang nasabing wage order.
Dahil dito makalipas ang 15 araw o hanggang July 24-25 ay epektibo na ang dagdag sahod.
Kapag napatupad ito aabot na sa ₱635 ang minimum wage sa NCR, kung saan inaasahang makikinabang ang nasa 1.1 milyong manggagawa.
Samantala, pag sapit ng January 2027 mayroon pang karagdagang ₱25 na increase sa minimum wage sa NCR.