Tinanggap ng 30 magsasaka sa bayan ng Bato, Camarines Sur ang tig-P3,000 fuel subsidy mula sa Department of Agriculture (DA) Bicol bilang suporta sa kanilang kabuhayan at upang mabawasan ang gastos sa produksyon.
Ayon sa DA Bicol, ang fuel subsidy ay maaari lamang gamitin sa pagbili ng krudo o gasolina sa mga accredited gasoline stations sa bayan ng Bato, alinsunod sa ipinatutupad na guidelines ng programa.
Samantala, ayon sa Department of Agriculture (DA) Bicol, direktang ipinamamahagi ang mga fuel discount card sa mga Municipal at City Agriculture Office upang sila na ang mamahagi nito sa mga kwalipikadong magsasaka sa kani-kanilang nasasakupan.
📷 DA Bicol