Muling iginiit ng Department of National Defense (DND) ang paninindigan ng Pilipinas sa pagtataguyod ng international law, pagtutol sa maritime expansionism, at suporta sa isang malayang Indo-Pacific.
Ito ang inihayag ng DND kasabay ng ika-10 Anibersaryo ng 2016 Arbitral Award sa South China Sea.
Binigyang-diin ng DND na pinagtibay ng 2016 Arbitral Award na walang legal na batayan ang malawak na maritime claims ng China sa West Philippine Sea, kabilang ang sinasabing “historic rights” nito, alinsunod sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.
Ayon sa DND, patuloy na palalawakin ng Pilipinas ang pakikipagtulungan sa mga partner nito sa Indo-Pacific upang mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon at mapigilan ang mga pagtatangkang gumamit ng puwersa at pananakot.
Kasabay nito, nagpasalamat ang DND sa mga partner nito sa Indo-Pacific at iba pang bansa sa patuloy na suporta sa Arbitral Award.