Biyaheng Singapore ngayong araw si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa 3-day working visit kasama si Unang Ginang Liza Marcos.
July 14 hanggang 16 ang working visit ng Pangulo ayon kay Palace Press Officer PCO Undersecretary Claire Castro na kung saan ay bahagi ng biyahe ang pagsusulong ng mas matatag na bilateral relations ng Pilipinas at ng Singapore na susunod na ASEAN Chair sa 2027.
Kasama sa itinerary ng Pangulo ang Courtesy Call kay Singapore Prime Minister Lawrence Wong na dito ay mapag-uusapan ang kooperasyon sa larangan ng trade and investment, environment and health at regional and global development.
May partisipasyon din ang Pangulo sa Round Table Discussion kasama ang mga business leaders.
Pero bago bumiyahe ang Punong Ehekutibo pa-Singapore ay tatlong public engagement na muna ang pupuntahan nito ngayong umaga.
Dalawa sa Tarlac, kung saan iinspeksiyunin nito ang Balog-Balog Multipurpose Dam Phase II at ang National Academy of Sports Learning Center and Training Facilities sa New Clark City.
Sa Nueva Ecija naman ay pangungunahan ng Pangulo ang inagurasyon ng MTerra Solar Phase I sa Gapan.
Kasunod nito ay balik ang Pangulo sa Malacañang para pangunahan ang panunumpa ni bagong Health Secretary Dr. Jose Brittanio Pujalte at mula dito ay tutulak na ng Singapore para sa 3-day working visit.