Ikinukunsiderang taasan ng pamahalaan ang multa laban sa mga mahuhuling nagkakalat at kung saan-saan na lang nagtatapon ng basura.
Ito ang sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro kasunod ng mga nakikitang indibidwal na walang pakundangang magtapon ng basura gaya sa mga creek maging ng ilang mga motorista na naghahagis na lang ng kalat mula sa kanilang sasakyan.
Ayon kay Castro, kulang ang paglilinis ng gobyerno sa mga drainage kung may mga patuloy pa ring nagkakalat.
Kaya apela ng Palasyo, kung hindi man makatulong sa paglilinis ay huwag na lang sanang maging bahagi ng problema sa pagkakalat.
Babala ni Castro, papananagutin ang mga pasaway na nagtatapon ng basura kung saan-saan.
What about bio waste. Eg from a funeral home.
Briones Funeral Homes
9H29+7XP, Aranguren, Capas, Concepcion, Tarlac, Capas, Philippines
Need to check there tank as there has no bottom in it. And over flow?
And no one will do anything about it.