Nagkasundo ang Philippine Drug Enforcement Agency at Technical Education and Skills Development Authority para tulungan ang Persons Who Use Drugs (PWUDs) at kanilang mga pamilya.
Layunin nitong mabigyan sila ng skills training at livelihood opportunities.
Nilagdaan na nina PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez at TESDA Director General Jose Francisco “Kiko” Benitez ang Memorandum of Agreement.
Sa kasunduan, tutukoy at magre-refer ang PDEA ng mga kwalipikadong benepisyaryo sa mga programa ng TESDA.
Magbibigay naman ang TESDA ng technical-vocational training, competency assessment at national certification.
Maaari ring ma-access ng mga benepisyaryo ang training at scholarship opportunities, depende sa kwalipikasyon.
Layunin ng programa na suportahan ang recovery, reintegration at economic independence ng PWUDs at kanilang mga pamilya. | ulat ni Rey Ferrer