Photo courtesy of DSWD
Nagsagawa na ang Department of Social Welfare and Development ng mga hakbang para mabawasan ang posibleng epekto ng super El Niño.
Kabilang dito ang Risk Resiliency Program-Climate Change Adaptation and Mitigation (RRP-CCAM).
Sakop nito ang Project LAWA at BINHI para sa sapat na suplay ng tubig at pagkain sa mga komunidad.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, nasa 5,311 LAWA sites at 8,671 BINHI sites na ang naitatag sa buong bansa.
Samantala, mino-monitor din ng DSWD ang temperatura sa mga warehouse para hindi masira ang family food packs, at nag-i-install ng industrial ceiling fans.
Naghahanda rin ang ahensya ng heat-insulated areas sa evacuation centers at nagde-deploy ng water filtration trucks sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng El Niño. | ulat ni Rey Ferrer