Ganap na alas-11:15 ng umaga nang makalabas ng PNP-General Hospital sa Kampo Crame si Senador Rodante Marcoleta para sumalang sa medical examination sa UP-Philippine General Hospital, sa Maynila.
Sinundo si Marcoleta ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), bago isakay sa coaster.
Naka-upo sa wheel chair ang Senador na nakasuot ng protective vest, naka posas, at naka detainee shirt.
Paliwanag ni PNP Acting Spokesperson, Police Colonel Allan Rae Co, proteksiyon ang vest sa ano mang posibleng pangyayari habang binabiyahe ang Senador bilang pagtitiyak sa kaniyang seguridad.
Matapos ang kanyang medical examination sa UP-PGH, ibabalik si Marcoleta sa Kampo Crame alinsunod na rin sa kautusan ng 3rd Division ng Sandiganbayan.
Inatasan naman ng Sandiganbayan si Dr. Gerardo Legaspi, Direktor ng UP-PGH na magsumite ng report sa kanila sa July 15.