Photo courtesy of Senate of the Philippines
Nadiskubre ng National Bureau of Investigation na may group chat ang mga person of interest sa serye ng death threats laban kay Senador Risa Hontiveros.
Ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, maaaring ipa-subpoena ng Cybercrime Division ang mga POI na natukoy sa kanilang imbestigasyon.
Idiniin niya na lumilikha ito ng pattern na parang madaling manakot sa social media.
Sabi pa ni Matibag, may mga POI din sila na nag-post na isunod sa political vlogger na si Mima Alicia, ang ilang personalidad kabilang ang Pangulo. | ulat ni Aj Ignacio