Photo Courtesy of Senate of the Philippines FB
Naghain ang ilang women’s rights advocates, kinatawan ng academe, at mga feminist group ng reklamo sa Senate Ethics Committee laban kay Senadora Pia Cayetano.
Ayon kay Juanna Caumeran ng EveryWoman, inirereklamo nila ang pag-share umano ng isang spliced video ni Senadora Pia sa kasagsagan ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa reklamong inihain ng grupo, na naka-address kay Ethics Committee Chairman Senador Vicente Sotto III, hiniling nilang agad na imbestigahan ang naging aksyon ng senadora.
Ayon sa grupo, nakokompromiso umano nito ang integridad ng impeachment proceedings at nagdudulot ng seryosong mga katanungan tungkol sa pagsunod ni Cayetano sa kanyang ethical, professional, at constitutional obligations bilang isang senator-judge.
Tinukoy sa reklamo ang video na ibinahagi ni Cayetano sa kanyang official Facebook account noong Hulyo 24, 2026.
Naniniwala ang grupo na hindi ito angkop na asal para sa isang senator-judge sa gitna ng isang kasalukuyang impeachment trial.
Nanawagan si Caumeran at ang kanyang mga kasama na agad nang simulan ang imbestigasyon at magpataw ng karampatang parusa kung kinakailangan.