Sinisilip ng National Bureau of Investigation kung may kinalaman sa State of the Nation Address ni Pangulong Marcos Jr. ang pagsabog sa labas ng Department of Justice, at ang natagpuang improvised explosive device sa labas ng Senado kahapon.
Ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, bineberipika na nila ang anggulong ito, katuwang ang Presidential Anti-Organized Crime Commission.
Isinasalang na rin aniya nila sa forensics ang mga nakuhang ebidensya sa kambal na security incident.
Sabi pa ni Matibag, nagsasagawa na ang bureau ng backtracking at nirerebyu na rin ang mga CCTV footage sa lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
Wala pang natutukoy na persons of interest sa insidente. | ulat ni Aj Ignacio