Nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng Bureau of Customs (BoC) ang mga hinihinalang puslit na sigarilyo sa Brgy. Sta. Catalina, Zamboanga City.
Batay sa ulat ng Pulisya, naharang sa ikinasang operasyon ang isang mini-van na naglalaman ng 11 master cases at 140 reams ng mga puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng 2 milyong piso.
Nabigo namang makapagpakita ng kaukulang dokumento gaya ng permit mula sa Customss ang driver ng nabanggit na mini-van na nagresulta sa pagkaka-aresto nito.
Dahil diyan, nahaharap ang driver sa kasong paglabag sa Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act. | ulat ni Jaymark Dagala