Nasawi ang 2 hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos maka-engkuwentro ng militar sa Brgy. Del Pilar, Naujan, Oriental Mindoro.
Batay sa ulat ng Army’s 203rd Infantry Brigade, sumiklab ang engkuwentro makaraang magkasa ng operasyon ang militar na nag – ugat naman sa sumbong ng mga residente hinggil sa presensya ng armadong grupo sa lugar.
Matapos ang bakbakan, isang hinihinalang miyembro naman ng NPA ang naaresto sa operasyon at narekober ang ilang bahagi ng Improvised Explosives Device (IED), pagkain at mga personal na gamit na iniwan ng mga nagsitakas na rebelde.
Patuloy ang ginagawang hot pursuit ng militar sa mga nalalabing miyembro ng mga rebelde na nagsitakas sa engkwentro.
Sa panig ni 2nd Infantry Division Commander, MGen. Ramon Zagala, ipinapakita lamang ng operasyon ang “steady progress” sa pagbuwag nila sa mga natitira pang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Mindoro.
Nakatuon aniya ang misyon ng militar sa lugar na protektahan ang mga komunidad at isulong ang kapayapaan, kaya nanawagan siya sa mga nalalabi pang rebelde na sumuko na sa Pamahalaan. | ulat ni Jaymark Dagala