Ipinunto ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairperson John Patrick Gregorio na mahalagang maunawaan ng mga kabataan na katuwang nila ang pamahalaan sa pamamagitan ng sports.
Ito ang kaniyang naging pahayag kasunod ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay Gregorio, malinaw ang mensahe ng Pangulo, lalo na sa mga usapin ng kalusugan, edukasyon at kapakanan ng kabataan.
Giit niya, nakatuon ang PSC sa pagsusulong ng kapakanan ng kabataan sa pamamagitan ng sports.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Marcos sa kaniyang SONA na triple na ang suportang ibinibigay ng pamahalaan sa sports, hindi lamang para sa libangan kung hindi para rin sa kalusugan ng mga Pilipino.
Umaasa rin ang Pangulo na mas marami pang kabataan ang mahihikayat na maglaro ng iba’t ibang sports, kabilang ang tennis at football, kasunod ng tagumpay nina Alex Eala at ng Filipinas women’s football team.