Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development Field Office–National Capital Region (DSWD FO-NCR) na may sapat itong naka-preposisyong relief supplies para agad na makapagbigay ng resource augmentation sa Metro Manila LGUs sakaling maapektuhan ng Low Pressure Area (LPA).
Ayon sa DSWD FO-NCR, may nakahandang 70,852 Family Food Packs (FFPs), 88,864 kahon ng Ready-to-Eat Food (RTEF), at 3,107 non-food items (NFIs) na maaaring agad ipamahagi sa mga maaapektuhang komunidad.
Nakaantabay rin ang Quick Response Teams (QRTs), Mobile Command Center, Mobile Kitchen, at iba pang relief resources para matiyak ang mabilis na pagtugon sa ano mang emergency.
Patuloy ding nakikipag-ugnayan ang DSWD FO-NCR sa mga LGU at iba pang kaukulang ahensya para sa mas maayos na koordinasyon at patuloy na monitoring ng sitwasyon.
Kaugnay nito, pinapayuhan naman ng DSWD ang publiko na manatiling mapagmatiyag, at makinig sa mga abiso ng kani-kanilang lokal na pamahalaan.