Mahigit 139,000 food at non-food items ang nakapreposisyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1 sa Ilocos Region bilang paghahanda sa posibleng epekto ng pag-ulan dulot ng Bagyong Luis at ng Southwest Monsoon o Habagat.
Ayon sa DSWD Field Office 1, may kabuuang 139,103 relief items na nakahanda sa isang regional warehouse, dalawang satellite warehouses, at 26 na aktibong relief prepositioning areas sa iba’t ibang bahagi ng Rehiyon Uno.
Nakalaan ang mga ito para sa agarang augmentation sa mga lokal na pamahalaan at mabilis na pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang maaapektuhan ng kalamidad.
Nananatiling nakaalerto ang DSWD Field Office 1 at patuloy na mino-monitor ang sitwasyon sa rehiyon.
Nakikipag-ugnayan din ang tanggapan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang katuwang na ahensya upang matiyak ang maagap na paghahatid ng kinakailangang tulong at serbisyo kung kinakailangan.