Isinusulong ng Department of Health (DOH) na maging bukas ang bidding process para sa pagbili ng mga kinakailangang gamot at iba pang mga kagamitan ng ahensya.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service kay DOH Secretary Jose Brittanio “Brix” Pujalte Jr., ipinaliwanag nito na kailangan maging fair at transparent ang bidding sa DOH dahil sa napalaki ng pondong nakalaan para rito.
Sinabi rin ni Pujalte na bago lamang siya sa posisyon bilang DOH secretary at wala siyang mga kakilalang supplier tulad nang iniuugnay na reklamo sa kaniya sa Office of the Ombudsman.
Aniya, masusi niyang pinag-aaralan ang mga dokumento na kailangan niyang pirmahan upang walang masayang sa pondo ng bayan.
Ayon pa sa kalihim, hindi naaantala ang DOTS program ng DOH dahil mayroon pang mga supply ng gamot para rito.
Binigyang-diin din ni Pujalte na bilang pinuno ng procuring entity, nais niya na mayroong transparensiya at pananagutan sa procurement process at hintayin ang resulta ng mga bidding.