Umabot na sa mahigit 3.8 milyong mag-aaral ang apektado ng pananalasa ng Bagyong Maymay at habagat. Ito ay batay sa pinakahuling situation report ng Department of Education (DepEd).
Ayon sa DepEd, saklaw ng suspensyon ang 5,164 public schools sa anim na rehiyon, kabilang ang Region III, Region I, Region IV-A, National Capital Region, Region IV-B at Cordillera Administrative Region
Gayundin, apektado rin ng masamang panahon ang mahigit 163,000 personnel ng DepEd.
Samantala, nasa 217 pampublikong paaralan ang ginagamit bilang evacuation centers, kung saan ‘ahigit 6,400 pamilya ang pansamantalang lumikas.
Bukod dito, nakapagtala rin ang DepEd ng mga nasirang paaralan, kung saan mahigit 3,900 ang minor damaged, mahigit 1,300 ang major damaged at mahigit 1,300 din ang totally damaged. Bilang tugon, naglaan ang DepEd ng mahigit P32.6 milyon para sa clean-up and clearing operations sa mga apektadong paaralan at mahigit P192.8 milyon para sa minor repair ng mga nasirang silid-aralan.