Matagumpay na nakapagtapos sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ang 731 pamilyang benepisyaryo sa Mati City, Davao Oriental matapos makamit ang antas ng self-sufficiency sa isinagawang Graduation and Exit Ceremony noong August10 sa Samboukan Hall.
Bilang bahagi ng kanilang exit process, pormal nang in-endorse ang mga pamilya sa City Government of Mati upang patuloy na ma-access ang livelihood opportunities, after-care services, referrals, at iba pang suporta.
Pinangunahan ni City Mayor Joel Mayo Z. Almario ang seremonya kasama ang DSWD Field Office XI, mga opisyal ng lokal na pamahalaan at iba pang katuwang na ahensya.
Patunay ang kanilang pagtatapos, na ang 4Ps ay nagsisilbing tulay tungo sa mas matatag at sariling-kayang pamumuhay, habang patuloy na hinihikayat ang mga pamilya na samantalahin ang mga oportunidad na makatutulong sa kanilang pag-unlad.