Pinangunahan nila Department of Economy, Planning and Development Secretary Arsenio Balisacan at Finance Secretary Frederick Go ang pulong ng Economic Development Committee (EDCom) at Sub-Committee on Inflation Monitoring and Market Outlook (SC-IMMO)
Ayon sa DEPDev, layunin nito na panatilihing matatag ang ekonomiya at mabigyan ng suporta ang mga mamimili at negosyo sa gitna ng pabago-bagong presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Dito, tinalakay ang mga hakbang ng pamahalaan upang malabanan ang pagbilis ng inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Inalam din dito ang mga update gayundin ang paglalatag ng mga solusyon kabilang na ang pagpapanatili ng mga hakbang sa kalakalan at pagpapalakas ng suplay ng mga produkto.
Gayundin ang pagtitiyak na napapanahon ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga magsasaka at mangingisda gayundin sa mga nasa sektor ng transportayon, mabilis na pagpapatupad ng El Niño Action Plan, pagpapatupad ng libreng sakay, at iba pa.
Samantala, tinalakay din dito ang ilang mahahalagang hakbang sa ilalim ng Legislative-Executive Development Advisory Council Common Legislative Agenda (LEDAC CLA).
Gaya na lamang ng panukalang pag-amyenda sa Oil Deregulation Law, Biofuels Act, at Magna Carta for Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs).