Inilunsad ng Commission on Elections (COMELEC) ang Data Privacy Handbook sa Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila nitong Agosto 11, 2026.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, magsisilbing gabay ang handbook sa mga opisyal at kawani ng poll body sa wastong pangangalaga at pagprotekta sa personal na datos ng halos 70 milyong rehistradong botante.
Binigyang-diin ni Garcia na hindi dapat gamitin sa ibang layunin ang impormasyong ipinagkakatiwala ng publiko sa COMELEC.
Pinuri naman ni National Privacy Commission (NPC) Commissioner Atty. Johann Carlos Barcena ang hakbang at itinuring itong huwaran para sa iba pang ahensya ng pamahalaan.
Target ng NPC na maging rehistrado at sumusunod sa Data Privacy Act ang lahat ng ahensya ng gobyerno bago matapos ang 2028.