Walang naitalang suspected o validated election-related incident sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections mula Hulyo 16 hanggang Agosto 12, 2026.
Ayon sa pinagsamang monitoring report ng Commission on Elections (COMELEC) at Philippine National Police (PNP), wala ring naitalang marahas at hindi marahas na insidenteng may kaugnayan sa halalan.
Pero sa kabila nito, 12 paglabag sa gun ban naman ang naitala habang 17 sibilyan ang naaresto.
Umabot sa 23 armas ang nakumpiska, kabilang din ang siyam na small arms, siyam na light weapons at limang pampasabog, bukod pa sa 100 bala.
Nakapagsagawa rin ang mga awtoridad ng 18,457 COMELEC checkpoint sa BARMM mula nang simulan ang monitoring period.
Matatandaang nakatakdang isagawa ang kauna-unahang BARMM parliamentary elections sa September 14, 2026.