Matagumpay ang naging opisyal na pagbisita ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac sa mga bansang Romania, Saudi Arabia at Türkiye.
Ang naturang pagbisita ni Cacdac ay upang tiyakin ang sitwasyon at kalagayan ng mga Filipino seafares sa naturang mga bansa na apektado ng pag-atake.
Naka-daupang palad din mismo ni Sec. Cacdac ang mga tripulanteng naapektuhan ng missile at drone attacks kung saan tiniyak nito na maibibigay ang mga kinakailangang tulong para sa mga tripulanteng Pilipino.
Sa ngayon nasa 70% o 174 sa kabuuang 261 na ng mga apektadong marinong Pinoy sa mga serye ng pag-atake ang matagumpay nang nakauwi.