Welcome development para sa pagkamit ng hustisya ang isinumiteng extradition request ng Estados Unidos para kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Founder Apollo Quiboloy.
Ayon kay MMDA General Manager, Undersecretary Nicolas Torre III, kung titingnan ay maituturing na ring isang uri ng “validation” ng pagkakaaresto ni KOJC Founder Apollo Quiboloy ang extradition request ng Amerika dahil hindi lamang ito wanted sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa.
Nang tanungin kung ano ang dapat maging prayoridad sa pagpapanagot kay Quiboloy, sagot ni Torre na lahat ng kanyang kaso ay kailangan niyang kaharapin litisin man siya sa Pilipinas o ma-extradite sa Estados Unidos.
Patunay din ito na tumatakbo ang hustisya at may totoong laban na ang mga biktima ni Quiboloy upang makuha ang hinahangad nilang hustisya.