Mga basurang nakolekta sa Redemptorist canal, lampas 400 metric tons na — Parañaque LGU
Patuloy ang clean-up operations sa Barangay Redemptorist Water Channel ng City Government of Parañaque, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa nakalipas na tatlong araw, umabot na sa 96 trucks ang nakapaghakot ng tinatayang 1,255.2 cubic meters o 418.4 metric tons ng basura at debris.
Bahagi ito ng tuloy-tuloy na pagsisikap ng City Government na mapanatiling malinis ang mga waterway ng Parañaque.