Pinasimple na ng Department of Energy (DOE) ang pagproseso sa paggamit ng sariling solar power sa mga nais magpakabit nito.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin ito’y nakapaloob sa Sa iDOE Department Circular No. DC2026-08-0017, mas streamlined ang requirements para sa qualified Zero-Export Solar Systems at Micro-Solar Systems, habang nananatiling prayoridad ang safety, reliability, at proteksyon ng electricity grid.
Kabilang dito ang pag-notify sa kanilang distribution upang malaman ang kanilang paglalagay ng solar power sa kanilang bahay at hindi na kailangan ng pre-installation approval at ang pag-exempt nito sa Certifcate of Compliance mula sa Energy Regulatory Commission (ERC).
Hangad naman ng Energy Department na mas maging madali sa bawat tahanan na nais magkabit ng solar power na mapadali at mahikayat ang mga ito upang makatulong sa energy conservation sa ating bansa.
