Naglabas ng mga panuntunan ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa pagsususpinde ng pasok sa trabaho sa pribadong sektor dahil sa masamang panahon.
Batay sa Labor Advisory No. 14 na inisyu ni Labor Secretary Francis Tolentino, maaaring suspindihin ng mga employer sa pribadong sektor ang trabaho sa panahon ng bagyo, malakas na pag-ulan, at iba pang weather disturbances upang mapangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng kanilang mga manggagawa.
Sa patakaran sa pagbabayad ng sahod, ang mga hindi nagtrabaho ay walang regular na sahod, maliban kung may company policy, practice, collective bargaining agreement (CBA), o paggamit ng accrued leave credits.
Para naman sa mga nagtrabaho nang 6 na oras o higit pa, dapat silang makatanggap ng buong regular pay.
Para sa mga nagtrabaho nang mas mababa sa 6 na oras, dapat silang makatanggap ng proporsyonal na bayad batay sa aktuwal na oras ng kanilang trabaho. Nilinaw ng DOLE na hindi dapat patawan ng administrative sanction ang mga manggagawang hindi pumasok o tumangging magtrabaho dahil sa panganib na dulot ng masamang panahon.