Pinalawig pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paghahandog nila ng libreng towing services para sa mga sasakyang nalubog, nabalahaw at naipit sa baha.
Ito’y ayon sa MMDA ay bilang tulong na rin sa mga motoristang apektado ng masamang panahong dala ng Habagat.
Dito, maaaring dahin ang sasakyang ire-request na ipa-tow sa bahay ng may-ari ng sasakyan o kahit iyong mula sa pagawaan.
Para sa mga intresado, makipag-ugnayan lamang sa Social Media platforms ng MMDA para sa kagyat na serbisyo para sa mga residente lamang ng National Capital Region (NCR).
Kasunod nito, inanunsyo rin ng MMDA na maaaring ma-avail ang libreng serbisyo hanggang sa Biyernes, August 21 upang mas marami ang ma-accomodate na sasakyan o motorsiklo na manghihingi ng tulong.
Nasa siyam na ang natulungan ng ahensiya sa pangunguna ng Special Operations Group-Task Force Road Clearing (SOG-TFRC) kung saan, dinala ang mga sasakyan sa bahay o repair shop na nasa Metro Manila, depende sa hiling ng may-ari.