Photo courtesy of Iloilo City Government
Ipinamahagi na nang Iloilo City Government ang mga tseke na nagkakahalaga ng ₱200,000 sa mga barangay sa Lungsod ng Iloilo.
Pinangunahan ni Iloilo City Mayor Raisa Treñas at Liga nang Barangay Presidente Irene Ong ang turnover kasama ang mga Punong Barangay mula sa 180 Barangay sa Iloilo City.
Kabilang sa unang nabigyan ang mga barangay mula sa Lapuz at Mandurriao district kung saan nasa – ₱100,000 ang para sa barangay priority projects at ₱100,000 naman para sa educational assistance.
Ang pondo ay na-download na ng National Government sa Iloilo City Government bilang bahagi nang Bawat Barangay Makikinabang Program ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr.