Photo courtesy of PHILVOCS
Nakapagtala ang PHIVOLCS ng 15 volcanic earthquakes sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras, batay sa ulat ng ahensya ngayong August 22, 2026.
Nasa 162 tonelada kada araw ang sulfur dioxide flux sa naturang bulkan, batay sa pinakahuling monitoring ng ahensya nitong August 16, 2026.
Nasa mahinang pagsingaw ang plume ng bulkan na napadpad sa hilagang-silangan. Naitala rin ang panandaliang pamamaga sa bulkan.
Sa ngayon, nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Bulusan, kung kaya’t mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 4-km Permanent Danger Zone at ang pagpasok nang walang pag-iingat sa 2-km Extended Danger Zone (EDZ) sa gawing timog-silangan. Ipinagbabawal din ang pagpalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan.
Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko na posibleng maganap ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosion anumang oras.