Photo courtesy of Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)
Naniniwala si MMDA General Manager Nicolas Torre III na dapat muling suriin ang Clean Air Act kasunod ng problema sa pamamahala ng basura.
Sa Saturday News Forum, sinabi ni Torre na kabilang sa mga ginagawa sa basura ang pagsusunog, na maaaring makaapekto sa kalidad ng hangin.
Giit niya, dahil sa mga makabagong teknolohiya, dapat nang tingnan kung ang kasalukuyang batas ay angkop pa sa pangangailangan ng publiko.
Binigyang-diin ni Torre na kailangan ang pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan upang matugunan ang problema sa basura.
Aniya, responsibilidad ng gobyerno na magpatupad ng maayos at epektibong sistema sa pagtatapon ng basura. Kasabay nito, hinikayat ni Torre ang publiko na suportahan ang sistema sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas at regulasyon sa waste management.