Hindi palulusutin ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang lahat ng contractor ng mga gumuhong flood control projects sa Occidental Mindoro.
Ito ang naging pahayag ni Dizon kasunod ng pagtiyak na hindi rin pababayaan ng pamahalaan ang mga minadali at low-quality na mga proyekto ng ilang contractor sa nasabing probinsya.
Ayon kay Dizon mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang nag-utos na isaayos at isarado ang lahat ng posibleng gaps sa mga nasabing flood control project upang magamit pa rin ito.
Dagdag pa ng kalihim, na mismong ang mga kontratistang gumawa ang maglalabas ng pondo para rito upang maisaayos ang mga proyekto.
Sa ngayon nakatutok na ang DPWH sa pagsasaayos at pagpapatibay ng mga nauna nang substandard flood control projects na nasira dahil sa ulan at baha.