Ipinatupad ng Legazpi City Police Station, sa pangunguna ni Legazpi CPS Officer-in-Charge PLTCOL Aldin Balagat, katuwang ang mga Barangay Peacekeepers ng Barangay San Roque, ang “Oplan Bulabog” nitong Agosto 31, 2026, bilang bahagi ng Safer Cities Initiative at pinaigting na kampanya para mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng komunidad.
Ayon sa Legazpi City Police Station, nakatuon ang aktibidad sa mahigpit na pagpapatupad ng curfew hours, pagpigil sa mga ilegal na gawain, at pagpapalakas ng police visibility at barangay security presence, partikular sa mga oras ng gabi.
Sinabi pa ng tanggapan na layunin ng Oplan Bulabog na mapalakas ang disiplina sa komunidad, maprotektahan ang mga kabataan, at makapagpatupad ng mga hakbang upang gawing mas ligtas, maayos, at mapayapa ang mga pamayanan sa Legazpi City.
Dagdag pa ng Legazpi CPS na patuloy nitong ipinatutupad ang mga police operation at community-based initiative bilang bahagi ng Safer Cities Initiative, tungo sa isang ligtas at maunlad na lungsod kung saan ang serbisyo ng kapulisan ay mabilis, tapat, at nararamdaman. | ulat ni Syrl Anne Luzon | RP Albay
📷 PNP LEGAZPI CITY POLICE STATION