Photo courtesy of Philippine Coast Guard
Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na all accounted na ang lahat ng pasahero ng lumubog na bangka na may sakay na mga Aeta sa Mapanuepe Lake sa San Marcelino, Zambales.
Sa panayam ng programang BOSES kay PCG Deputy Spokesperson Commander Michael John Encina, narecover na ang labi ng natitira pang nasawi dahil sa paglubog nang nasabing bangka.
Sa tala ng PCG, sa labing tatlong pasaherong sakay ng lumubog na bangka, apat ang nakaligtas habang ang siyam naman ay kumpirmadong nasawi.
Nai-turnover na rin sa kani-kanilang pamilya ang labi ng mga nasawi dahil sa nasabing insidente.