Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang isang pagpupulong kasama ang mga kalihim ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan nitong Lunes.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service kay Department of Health Secretary Edwin Mercado, sinabi nito na direktiba ng Pangulong Marcos ang pagkakaroon ng preemptive at proactive approach upang tugunan ang epekto ng climate change tulad ng mas malalakas na bagyo at habagat na nakakaapekto sa kabuhayan ng mga Pilipino.
Ayon kay DOH Secretary Mercado, inatasan ng Pangulo ang kagawaran na pag-aralan ang pagdisenyo ng mga government hospitals para makatugon at makapagpatuloy ng serbisyo sa likod ng kalamidad dulot ng long-term impact ng climate change.
Ang direktiba ni Pangulong Marcos Jr. ay sa likod na din ng naging epekto sa serbisyo ng mga ahensya ng gobyerno sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan na nagdulot ng malawakang pagbaha sa NCR, Region 3 at maging sa iba pang rehiyon sa Luzon.