Nadagdagan pa ang bilang ng nga napaulat na nasawi dahil sa pinagsamang epekto ng bagyong Luis, Maymay, Neneng, at Habagat.
Mula sa 33 kahapon, umakyat na sa 34 ang napaulat na nasawi dahil sa sama ng panahon.
Sa naturang bilang, siyam na ang validated o kumpirmado na, habang 25 pa ang isinasailalim sa validation ng mga awtoridad.
Nasa 17 naman ang sugatan at tatlo ang nawawala.
Samantala, umabot na sa 8.39 million individuals o 2.41 million families ang apektado sa 5,820 barangays sa ilang rehiyon.
Mahigit 135,000 indibidwal naman ang nananatili sa mga evacuation center.
Pinakamarami ang apektado sa Central Luzon na may halos 3.98 million indibidwal, kasunod ang Region 1 at CALABARZON.