Iginiit ni AKBAYAN party-list Rep. Perci Cendana na kailangan na ring suriin ang kaugnayan ng mga reclamation projects sa lumalalang pagbaha sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya.
Diin ng mambabatas, hindi dapat inaaprubahan ang mga reclamation projects na walang maayos na impact assessment sa flooding sa mga komunidad o walang proper drainage.
Tinukoy ni Cendana na aabot sa 13 ang kabuuang reclamation projects na inaprubahan sa Manila Bay, na katumbas ng 5,000 ektarya o 8 porsyento ng kabuuang land area ng National Capital Region.
Ngunit ang nakababahala, aniya, ay wala itong maayos na integration sa mga flood management plans ng mga LGU.
