Nilinaw ng Toll Regulatory Board (TRB) na ipatutupad ang backroom computation para sa mga sasakyang dadaan sa North Luzon Expressway basta sakop ito ng parte ng NLEX na sakop ng waiver.
Sa panayam ng programang BOSES kay TRB Spokesprson Julius Corpuz sinabi nitong, otomatikong maibabalik sa RFID ng mga motorista ang magiging bawas sa backroom computations kung dumaan ang mga motorista sa kahabaan ng Pulilan, Bulacan hanggang San Fernando, Pampanga kung saan naitala ang mga pagbaha.
Pagdating naman sa duration ng nasabing waiver sa pagbabayad ng toll sa partikular na parte ng NLEX, kinumpirma ng TRB na iiral ito hangga’t hindi tuluyang naibabalik sa normal ang daloy ng mga sasakyan sa NLEX.
Epektibo ang nasabing free toll fee sa parehong northbound at southbound lane ng NLEX mula Pulilan, Bulacan hanggang San Fernando Pampanga.
Pagdating naman sa mga motoristang daraan sa cash lane ay magiging manual ang computation para sa waiver discount ng mga motorista.