Mas pinalalakas pa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang aksiyon nito kontra sa mga akto ng karahasan sa mga paaralan.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni DILG Undersecretary Rolando Puno, na isa sa mga itinutulak ngayon ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang pagpapalakas pa ng batas at pagpapahigpit ng parusa kontra iresponsableng gun owners.
Ito umano ang idinudulog ngayon ng DILG sa Kongreso upang mas mabigyan ng pangil at lakas ang batas at maiwasan ang mga akto ng karahasan sa mga paaralan at maging sa komunidad.
Kung maitutulak kasi ito ay mas magiging maingat na ang mga gun owner at maiiwasan ang mishandling of firearms upang hindi mabigyan ng access dito ang sinoman maliban sa may-ari ng baril.