Sumampa na sa mahigit 2.5 milyong Family Food Packs o FFPs ang naipadala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng magkakasunod na bagyo at Habagat sa nakalipas na halos apat na linggo.
Kabilang sa mga lugar na patuloy na tinutulungan ang mga komunidad sa Central Luzon at Calabarzon, na naapektuhan ng habagat.
Bukod dito, nasa 36,895 ready-to-eat food packs at higit 19,000 non-food items ang naipamahagi na rin sa mga biktima ng kalamidad,
Kaugnay nito, aabot na rin sa ₱1.7-bilyon ang halaga ng humanitarian assistance na nailaan ng DSWD sa tuloy-tuloy na relief assistance.
Nananatili ding available ang nasa higit ₱5-bilyong na stockpile at Quick Response Fund ng ahensya para sa augmentation assistance sa mga apektadong local government unit.