Nagkasundo ang mga senador na suspindihin ang kanilang rules para mapayagan ang Senate Committee on Finance at mga sub-committee nito na magsagawa ng budget hearings kasabay ng kanilang plenary session.
Ito ay para mapabilis ang deliberasyon sa pambansang budget kasabay ng Impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa sesyon kahapon, inanunsyo ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na ang ganitong set-up ay gagawin mula Lunes hanggang Miyerkules, mula alas-3 ng hapon.
Sa umaga naman ng alas-10, magpapatuloy ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Zubiri, kailangang pagsabay-sabayin ng Senado ang tatlong pangunahing trabaho nito, ang impeachment proceedings, deliberasyon sa national budget, at paggawa ng batas.
Nilinaw naman ni Senate President Sherwin Gatchalian na Finance Committee at mga subcommittee lang nito at para lang sa budget hearings ang saklaw ng exemption.
Hindi rin mamarkahang absent ang mga senador na namumuno sa mga subcommittee na nagsasagawa ng budget hearings. | ulat ni Nimfa Asuncion