Tiniyak ng Department of Health o DOH na sapat ang suplay ng doxycycline sa mga pampublikong health facility sa gitna ng patuloy na pagtugon sa mga apektadong komunidad.
Ayon sa DOH, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng doxycycline sa mga health center, YAKAP Clinic, at pampublikong ospital.
Sa direktiba ni Health Secretary Edwin Mercado, pinaigting ang distribusyon ng gamot sa mga lugar na higit na nangangailangan upang matiyak ang agarang access ng publiko.
May nakahanda ring 3.1 milyong stockpile ng doxycycline ang DOH at mga Regional Office bilang karagdagang suplay kung kinakailangan.
Sa tala nitong Setyembre 4, mahigit 1.2 milyong kapsula na ng naturang gamot ang naipamahagi sa iba’t ibang apektadong komunidad.
Iginiit ng DOH na nananatili silang handa na tiyakin ang sapat na suplay ng doxycycline at mabilis na makapaghatid ng gamot sa mga lugar na nangangailangan