Nananatiling on-track ang Department of Energy (DOE) sa pagresolba ng problema sa nararanasang kakulangan ng kuryente sa Visayas Grid.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin nais nilang pagtuunan ngayon ng pansin ang pagsasaayos sa mga power plants na nananatiling naka-maintenance shutdown at maibalik ang mga ito sa power circulation.
Pagdating naman sa panawagan ng publiko na mapanagot na agad ang mga power generators na bigong gampanan ang kanilang tungkulin na mag-produce ng kuryente, sagot dito ni Garin na darating din sa puntong ito ang pamahalaan.
Mas maganda kasi, ani Garin, na mauna munang masagot ang kakulangan sa kuryente bago magturuan.
Oras na masolusyunan na ang Yellow at Red Alert status sa Visayas Grid ay susundan na ito ng proseso ng accountability. | ulat ni Eph Gaytos
📸 DOE