Itinaas ng administrasyong Marcos sa ₱33.285 bilyongang panukalang pondo para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) sa 2027.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), mas mataas ito ng 23.15 percent o mahigit ₱6.25 bilyong kumpara sa panukalang pondo noong 2026.
Target ng programa na matulungan ang nasa 4.6 milyong Pilipino na nahaharap sa krisis gaya ng pagkakasakit, pagkamatay ng kapamilya, pagkawala ng kita, kakulangan sa pagkain, transportasyon at burial expenses.
Bahagi ang AICS ng ₱241.6 bilyong panukalang pondo para sa Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng 2027 National Expenditure Program (NEP).
Ang panukalang ₱33.285 bilyong pondo ay dadaan pa sa deliberasyon ng Kongreso.