Kakatawanin ng Pilipinas ang ASEAN Region sa ika-18 BRICS Summit na gaganapin sa India, kung saan ilalahad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga prayoridad ng rehiyon sa peace and security, people empowerment at prosperity.
Sa pre-departure briefing sa Malacañang, ibinahagi ni Foreign Affairs Asec. Analyn Ratonel ang nakatakdang biyahe ng pangulo sa September 12 hanggang 13.
Bilang tugon na rin ito sa imbitasyon ni Indian Prime Minister Narendra Modi.
Ayon kay Ratonel, ang pagdalo ni Pangulong Marcos ay bahagi ng tungkulin ng Pilipinas, bilang ASEAN Chair ngayong 2026, kung saan ilalahad niya ang mga prayoridad ng rehiyon sa peace and security, people empowerment, at prosperity.
Sinabi rin ng DFA na ang pagdalo ng Punong Ehekutibo sa BRICS ay isang strategic opportunity upang direktang makipag-ugnayan sa major emerging economies at katawanin ang mga pananaw at prayoridad ng ASEAN.