Hindi napag-uusapan sa Malacañang ang itinatakbo ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro bagamat updated si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng mga nangyayari sa bansa, hindi aniya tutok ang pansin ng pangulo sa impeachment.
Sabi ni Castro, hayaan na lamang ang prosekusyon at depensa sa kanilang mga istratehiya sa pagpapatuloy ng paglilitis.
Samantala, nasa impeachment court na rin aniya ang pasya kung ipasu-subpoena si VP Sara para humarap sa impeachment trial.
Nasa diskarte na rin aniya ito ng depensa kung ipatatawag nila si Duterte, para tumestigo o humarap sa paglilitis. | ulat ni Racquel Bayan