Sa hudyat ng sirena, sama-samang nag-duck, cover and hold ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Kampo Crame.
Ito’y bilang pakikiisa sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para sa ikatlong quarter ng taon.
Tampok dito ang iba’t ibang scenario-based drills na layuning ihanda ang mga mamamayan sa epektibong pagtugon tuwing may lindol.
Kabilang sa mga isasagawang pagsasanay ay ang mass casualty management, hazardous materials response, fire response, high angle rescue, debris clearing at collapsed structure search and rescue.
Bahagi ito ng pagpapalawak ng kamalayan ng mga Pilipino hinggil sa kung ano ang mga dapat gawin sakaling tumama na sa Metro Manila ang Magnitude 8 na lindol sa West Valley Fault o ang pinangangambahang “The BIG ONE”.