Search and rescue sa nasunog na pampasaherong barko sa Coron, nagpapatuloy
Pinagpapatuloy ng Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang tanggapan ng pamahalaan ang paghahanap sa mga pasahero at tripulante ng MV June Aster.
September 9 ng gabi nang masunog ang barko na may sakay na 134 habang naglalayag sa bahagi ng Coron, Palawan.
Ayon kay PCG Spokesperson, Commodore Noemie Cayabyab, paulit ulit na nagre-radio broadcast ang PCG upang ipanawagan sa mga naglalayag at mga coastal barangay na agad iulat at tulungan kung may biktima na napadpad sa kanilang lugar.
Batay sa pinakahuling datos, 43 ang nakaligtas, 5 ang patay habang 86 ang posibleng nawawala.