Iniulat ng National Irrigation Administration (NIA) na umabot na sa 200.39 meters above sea level (masl) ang antas ng tubig sa Pantabangan Dam.
Malaki na ang agwat nito mula sa 176.83 masl na naitala noong Agosto 1.
Ayon sa NIA UPRIIS, malaki ang naitulong ng mga pag-ulang dulot ng mga bagyo at pinalakas na habagat sa pagtaas ng lebel ng tubig sa dam.
Dahil dito, inaasahan ng UPRIIS Management na magiging sapat na ang suplay ng tubig sa dam para sa Dry Crop 2027.
Nagsisilbing pangunahing pinagkukunan ng irigasyon ang Pantabangan Dam para sa mahigit 150,000 ektaryang service area ng NIA UPRIIS, katuwang ang iba pang local at reuse dam facilities.